
Advertise on podcast: The Linya-Linya Show
Rating
4.8from
This podcast has
426 episodes
Language
EnglishExplicit
No
Date created
2018/10/23
Latest episode
2026/10/16
Average duration
108 min.
Release period
8 days
Description
Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo! For partnership opportunities and collaborations, please contact: [email protected]
Unlock The Linya-Linya Show podcast Email contact info,
Listeners & Audience details
Email contact information
Direct podcast contact details

Listeners
Audience numbers & engagement insights

Audience details
Podcast Insights

Podcast episodes
Check latest episodes from The Linya-Linya Show podcast
426: BOOKSAN ANG KINABUKASAN w/ Karol Mark Yee
2026/10/16
Ano ba talaga ang lagay ng edukasyon sa Pilipinas—at saan tayo magsisimulang mag-ayos?Kasama natin sa episode si Karol Mark Yee, Executive Director ng EDCOM II, para pag-usapan ang Philippine education system: bakit mahalaga ang foundational learning, ano ang sinasabi ng data, ano ang progress na nakikita natin, at paano natin masisigurong ang mga report at roadmap ay mauuwi sa totoong pagbabago.Napag-usapan din namin kung paano siya nananatiling hopeful sa kabila ng bigat ng trabaho, at kung ano ang puwedeng gawin ng ordinaryong Pilipino para makatulong.At siyempre, pinagkuwentuhan namin ang BOOKsan ang Kinabukasan—project ng Linya-Linya, EDCOM II, Caritas Philippines, at Alay Kapwa na naglalayong maghatid ng books at reading spaces sa mga batang nasa underserved communities.Dahil minsan, isang libro lang ang pagitan ng isang bata at ng mas malawak na mundo.Kung gusto ninyong tumulong, puwedeng mag-donate, magbasa pa tungkol sa campaign, at bumili ng Linya-Linya × BOOKsan ang Kinabukasan collab shirt para makatulong sa fundraising:Website: https://edcom2.gov.ph/booksan/Facebook: https://www.facebook.com/share/1coZR7zoDM/?mibextid=wwXIfrCollab shirt: https://linyalinya.ph/products/linyalinyaxedcom2xcaritasphxalaykapwa?_pos=1&_sid=3bc779a24&_ss=rListen up, yo!
425: Bara-Bara - Libre Ang Mangarap, Pero Magastos Mabigo w/ BATAS
2026/10/12
Isa sa pinakasolid na battle emcees, at isa rin sa pinakasolid kakwentuhan—ang back-to-back FlipTop Isabuhay Champion, rap artist, at content creator, mula Canada para sa inyo: BATAS!Nag-catch up kami tungkol sa buhay niya ngayon sa Canada: mga naging trabaho, kumusta ang work ngayon, at kung paano nagbago ang pananaw niya bilang bagong erpat.Napag-usapan din namin ang mga trip niya outside battle rap—vinyl records, collecting and listening to music, beatmaking—at kung paano niya patuloy na kino-connect ang sarili sa hip-hop kahit nasa bagong lugar, habang bina-balance ang passion, trabaho, at pamilya.Bilang isa sa mga emcee na naabutan ang simula ng FlipTop at dumaan sa iba’t ibang era ng liga, ibinahagi rin ni Batas ang POV niya sa evolution ng battle rap, sa patuloy na paglago ng hip-hop culture at community, at kung may gutom at gigil pa ba siyang bumalik sa battle stage.At siyempre, pinag-usapan din namin ang linyang matagal nang tumatak sa marami at ngayon ay bahagi na rin ng Linya-Linya × Batas collab:“Libre ang mangarap. Magastos mabigo.”Ano nga ba ang ibig sabihin nito para kay Batas ngayon?Ito ang Bara-Bara, collab podcast ng FlipTop at Linya-Linya.Listen up, yo!
424: Ano’ng kwento, Direk? w/ Jerrold Tarog
2026/10/02
Papasa na yatang full-length film—umabot nang mahigit tatlong oras ang naging kuwentuhan namin ni Direk Jerrold Tarog sa The Linya-Linya Show. 😅Napag-usapan namin ang curiosity, ang saya ng pagiging weird, geek at nerdy, experimentation, at kung paano nabubuo ang isang pelikula sa tulong ng buong village ng creatives behind the scenes. Pinag-usapan din namin ang directing bilang collaboration, hindi dictatorship; AI sa film industry; ang halaga ng daydreaming at pagtunganga; pagbabalik-tanaw sa kasaysayan; at kung paano i-navigate ang social media, negative comments, bash at hate.Pero higit sa filmmaking, napunta rin ang usapan sa mas malalaking tanong tungkol sa pagiging creative, pagiging mabuting tao, at kung ano ba talaga ang halaga ng mga kuwentong pinipili nating gawin at ipamana.Sakto ngayong Philippine Film Industry Month, at bahagi rin ng Linya-Linya × Directors’ Guild of the Philippines, Inc. collaboration.Maraming salamat kay Direk Jerrold sa pagiging open, humble, at generous sa pagbahagi ng thoughts, process, knowledge, at mga pangarap niya para sa Philippine cinema.Pakinggan ang buong episode ng The Linya-Linya Show.Listen up, yo!
Touchdown, Baby! - Gender Reveal w/ Reich Carlos-Sangalang
2026/09/26
Kung di niyo pa nababalitaan, pregnant ang wife kong si Reich— and expecting kami to welcome our baby this year! 💛Sobrang laking blessing nito para sa amin, lalo’t pinagdasal at talagang pinlano naming magkaroon ng anak. Pero siyempre, bagong phase din ito ng buhay namin bilang mag-asawa: may kaba at pangamba, pero lamang ang excitement at saya, at maraming bagay na ngayon pa lang namin natututuhan.Sa totoo lang, hindi namin alam kung paano gagawin ang gender reveal. Ayaw rin sana naming gumastos nang malaki dahil mas gusto naming mag-ipon para sa panganganak ni Reich at sa pagdating ni baby.Kaya… ano pa nga ba? Ginawan na lang naming podcast episode! 😅Note lang: Pumasok kami sa recording nang hindi alam kung girl nga ba o boy ang baby. Sister lang ni Reich ang nakakaalam, at nagpagawa kami ng cake na ang kulay sa loob ang magre-reveal ng sagot.So… girl nga ba o boy?Alamin sa isa sa pinaka-special na episodes ng The Linya-Linya Show— kasama sa kwentuhan namin ni Reich ang tungkol sa journey ng pregnancy so far, sa mga kaba at saya, at sa unti-unti naming paghahanda para sa bago naming buhay bilang parents. Yun o!Listen up, yo!
LIVE In The Filipino Life - Reasons to Stay or to Leave PH w/ Victor Anastacio
2026/09/24
Still LIVE in the Filipino Life!Sa live episode na ito with Victor Anastacio at the Linya-Linya HQ, pinag-usapan namin ang isang tanong na mahirap sagutin pero lalong relevant ngayon: Bakit ka mananatili sa Pilipinas? At bakit ka aalis?Sa dami ng nangyayari sa bansa at sa mundo, nagkwentuhan kami tungkol sa mga dahilan para manatili, mga dahilan para maghanap ng buhay sa ibang lugar, at kung ano nga ba ang hinahanap natin kapag pinag-iisipan natin kung saan natin gustong bumuo ng buhay.Mahirap, personal, at walang simpleng sagot. Pero kailangang pag-usapan.Livin’ the Filipino Life with Victor Anastacio. Listen up, yo!
LIVE In The Filipino Life - Kumusta ang Buhay-Buhay? w/ Victor Anastacio
2026/09/11
After years of public clamor (wow, clamor?!), finally—The Linya-Linya Show recorded its first-ever live podcast episode with an audience sa Linya-Linya HQ! Sobrang saya dahil dumating ang OG Fellow-22s, mga bagong Ka-Linya, at dahil may Guevarra’s at Dolor’s Kakanin pa—kumpleto ang Pinoy fiesta at salo-salo!For our first live episode, nagkumustahan kami ni Victor Anastacio tungkol sa buhay-buhay at love life: ako, sa desisyong magkaroon ng anak at paghahanda maging tatay; si Vic naman, sa desisyong magpa-vasectomy. At dahil walang kumpletong Pinoy gathering kung walang karaoke, ang simpleng kuwentuhan ay nauwi sa kantahan—mula 90s R&B hanggang OPM, gamit ang lyrics ng mga kantang parang alam na alam ang mga pinagdadaanan namin tungkol sa larangan ng pag-ibig, relationships, pagbabago, pagkakamali, pagpapatawad, at pagiging ordinaryong tao lang trying to figure things out.Kuwentuhan, kantahan, tawanan, at maraming kalokohan—live, with the people who’ve been listening and laughing with us through the years.Maraming salamat sa lahat ng pumunta at naging parte ng first-ever TLLS live recording. Sana maulit! 💛Listen up live, yo!
420: Pagsusulat, Pagsasalin, Pagluluksa, at Pagmamahal w/ Mikael de Lara Co
2026/08/28
Kasama natin sa The Linya-Linya Show si Mikael de Lara Co—poet, translator, editor, speechwriter, communications expert, apat na beses na Palanca awardee, at Palanca Hall of Famer.Si Kael ang isa sa heads ng speechwriters group ni Pangulong Benigno Aquino III at isa sa mga dahilan kung bakit ako nagkaroon ng pagkakataong makapasok sa gobyerno. Malaki ang naging impluwensya niya sa akin bilang manunulat, isang creative, at bilang tao. Mentor ko siya. Ninong pa namin ni Reich sa kasal.Sa episode na ito, pinag-usapan namin ang kanyang pinakabagong libro at koleksyon ng mga tula, Epistolaryo ng Bagamundo at ang Tugon ng Multo; ang proseso ng pagsusulat, pagkakapareho at pagkakaiba sa iba’t ibang forms na kanyang ginagamit o ginagalawan; tungkol sa grief; kung paano nagbabago ang pagtingin natin sa buhay habang tumatanda.May mahalagang puwang sa puso ko ang episode na ito.Listen up, yo.
419: All Out Kung All Out w/ M Zhayt
2026/08/21
Muli nating nakasama sa BARA-BARA—ang podcast series ng Linya-Linya at FlipTop—si M Zhayt matapos ang sunod-sunod na halimaw na performances sa FlipTop at ang viral nilang battle ni Plaridhel.Napag-usapan namin ang Zoning 22, ang laban nila ni Saint Ice (kasama ang biglaang Round 4 Grab Bag Freestyle!), ang proseso ng pagbabago ng pananaw, ang halaga ng paninindigan, at kung bakit patuloy pa rin siyang bumoboses sa pamamagitan ng battle rap.Napagkuwentuhan din namin ang Motus Battle League, ang Next Episode—ang bago niyang podcast—at ang legacy na gusto niyang iwan sa battle rap.Iba talaga 'pag M Zhayt. Hindi nauubusan at laging malaman. Listen up, yo.
418: Growing Up Online: Mga Boses ng Kinabukasan w/ the Batang Bidas of Balitang Bata Podcast
2026/08/14
Earlier this year, nagkaroon ng pagkakataon ang The Linya-Linya Show, kasama ang Spotify at The Pod Network, na suportahan ang Balitang Bata Podcast ng AHA Learning Center sa pamamagitan ng podcast equipment at workshop.
Ngayon, sila naman ang nasa kabilang side ng mikropono.
Kasama natin sina Miracle at Althea—dalawa sa mga Batang Bidas ng AHA Learning Center at hosts ng Balitang Bata Podcast—para pag-usapan kung ano ang hitsura ng paglaki sa panahon ng internet, social media, at AI.
Paano ginagamit ng kabataan ang internet para matuto, makipag-usap, lumikha, at magpahayag? Ano ang mga hamon na kinahaharap nila online—mula sa fake news at cyberbullying hanggang sa pressure ng social media? At paano sila natututong maging responsable, mapanuri, at mabuting digital citizens?
Isang masaya, magaan, at tapat na usapan tungkol sa kabataan, connectivity, at sa mga boses na dapat nating pakinggan.
Para sa reliable na connection, check out DITO Home WoWFi Pro here:https://eshop.dito.ph/web/product/detail/284?campaignId=1033&distributorId=1120&cmpType=7
This episode is Powered by DITO. Visit dito.ph to learn more.
417: Preserving History & Protecting Culture w/ Niña Sandejas
2026/08/11
Dekada nang dinodokumento ng music photographer na si Niña Sandejas ang ilan sa pinakamahahalagang artists, banda, gigs, at eksena sa Filipino music at art. Pero para sa kanya, hindi lang ito tungkol sa pagkuha ng magagandang litrato—tungkol ito sa pagdodokumento ng kasaysayan at pagpreserba ng kultura.Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, pinag-usapan namin ang kanyang buhay at trabaho bilang music photographer, ang halaga ng documentation, at ang pagtatayo niya ng sariling publishing house na alt164. Kinuwento rin niya ang realities ng pag-publish ng sariling libro, at kung bakit mahalagang magkaroon tayo ng mga aklat at archives na nagkukuwento ng visual history ng Filipino music.At siyempre, pinag-usapan namin ang kanyang Greyhoundz book—at kung paano ang pagsuporta sa isang libro ay nakakatulong din para makagawa pa ng mas maraming libro tungkol sa iba’t ibang artists, photographers, at eksena sa Pilipinas.Isang insightful na kuwentuhan tungkol sa photography, publishing, music, history, at kung bakit mahalagang idokumento at pangalagaan ang kulturang binubuo at isinasabuhay natin ngayon.Listen up, yo.
416: Bara-Bara – Ascend Lang Nang Ascend w/ GL
2026/07/31
Pagkapanalo ni GL bilang 2024 FlipTop Isabuhay Champion, kinabukasan, dumiretso siya sa Bara-Bara podcast. Mahigit isang taon ang lumipas, at ang dami nang nadagdag sa kanyang kuwento.
Sunod-sunod ang naging battles niya noong 2025—laban kay Emar Industriya at kay Ice Water (bilang Sinagtala), dalawang classic na laban ulit sa iisang gabi laban kina Hazky at Ruffian, ang Royal Rumble, at ang instant classic nila ni Poison 13. Ngayong 2026 naman, nai-launch na ang kanyang ikatlong poetry chapbook-- Glimpses-- habang tuloy-tuloy rin ang kanyang paglikha ng musika, ng panitikan, at pag-battle.
Sa episode na ito, bumabad kami para pag-usapan ang kanyang explosive post-Isabuhay run. Hiningi ko rin ang thoughts niya sa napakainit na Langit Lupa, Write Off Way, at sa emerging emcees. Pinasadahan din namin ang kanyang lumalaking community, ang pagpublish ng libro, ang magkakaiba nguni’t magkakapareho ring mundo ng battle rap, musika, at tula, at kung ano pa ang susunod sa kanyang patuloy na pag-ascend bilang artist.
Solid na kuwentuhan tungkol sa battle rap, creative writing, community-building, at sa thought process ng isa sa pinakamahuhusay na manunulat ng kanyang henerasyon.
Listen up, yo.
415: Turo-Turo - Mga Kwentong Kwarentahin w/ Jaton Zulueta & Sabs Ongkiko
2026/07/24
Mula Trentahin, tatawid din papuntang Kwarentahin. Aray ko po!Sa edad na 'to, bukod sa sakit ng ulo sa dami ng inaalala sa buhay, matindi na rin ang sakit ng likod at katawan, habang ramdam na ramdam na ang pagtanda. Pero kumusta nga ba ang buhay late 30's, patawid ng early 40's? Ngayong mas marami nang karanasan at kaalaman, mga pagkakamali na hopefully ay nagawa nang matutuhan, paano nga ba i-navigate ang era na ito?Kasama ulit natin sina teacher Sabrina Ongkiko at Jaton Zulueta sa isa na namang masaya at makabuluhang episode ng Turo-Turo, dito lang sa The Linya-Linya Show!Trentahins and Kwarentahins unite-- listen up yo!
414: May Susunod Pang Kabanata - How Teleserye Saved My Life w/ Louie Jon Sanchez
2026/07/17
Noong huli nating nakasama si Prof. Louie Jon Sanchez sa The Linya-Linya Show, napagkwentuhan namin ang teleserye, Pinoy drama, at ang mga kuwentong kinahuhumalingan nating mga Pilipino.Sa kanyang pagbabalik, ibang kuwento naman ang kanyang dala.Kasama natin ang makata, literary critic, at UP Diliman professor para pag-usapan ang kanyang cancer journey, kung paano nito binago ang kanyang pananampalataya, pagsusulat, pagtuturo, at pagtingin sa buhay. Napag-usapan din namin kung bakit, para sa kanya, “the teleserye or melodramatic imagination saved me,” at kung paano nagiging tahanan ng pag-asa ang mga kuwento sa gitna ng kawalang-katiyakan.Isang tapat, magaan, at makabuluhang usapan tungkol sa sakit, sining, pag-asa, pananampalataya, at sa paniniwalang—gaano man kahirap ang kasalukuyan—may susunod pang kabanata.Pakinggan ang buong episode ng The Linya-Linya Show, available na sa Spotify, YouTube, at iba pang podcast platforms.
413: Bara-Bara - I-angat. Iboses. Ilaban. w/ ILAYA
2026/07/11
Sa episode na ito ng Bara-Bara, nakasama natin si Ilaya— emcee, songwriter, at isa sa mga pinakamatagal nang boses ng conscious hip hop sa Pilipinas.Napag-usapan namin ang kanyang paglalakbay mula Taguig hanggang Rizal, ang pagpasok niya sa mundo ng hip hop, at ang mga impluwensyang humubog sa kanya bilang artist. Nagkuwentuhan din kami tungkol sa grupo niyang Uprising, at kung paano niya ginagamit ang musika at pagsusulat para magkuwento, magtanong, at makilahok sa mas malalaking usaping panlipunan.Syempre, napunta rin ang usapan sa FlipTop— ang kanyang battle rap journey, creative process, judging philosophy, at ang papel ng originality sa sining.Pero higit sa lahat, naging usapan ito tungkol sa pagharap sa mga nangyayari sa lipunan— sa galit, sa dismaya, sa pakiramdam na tila walang nagbabago, at sa tanong kung paano pa ba tayo patuloy na makikialam. Sa huli, bumalik pa rin kami sa sining, creativity, at sa kahalagahan ng patuloy na bumoses habang may natitira pang lakas at pakialam.Samahan n'yo kami ni Ilaya sa solid na kuwentuhang ito.Listen up, yo.
412: Manatiling Malikhain w/ Quiccs Maiquez
2026/07/06
Ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging malikhain?Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, kasama natin ang world-renowned artist, designer, at creator ng TEQ63 na si Quiccs Maiquez. Mula sa graffiti at street culture hanggang sa designer toys na kinokolekta sa iba’t ibang panig ng mundo, kuwentuhan tayo tungkol sa pagbuo ng isang creative career na sabay na may artistic vision at business sense.Napag-usapan namin ang pinagmulan ng kanyang creative journey, ang pag-usbong ng local art at toy scene, kung paano nagtatagpo ang creativity at commerce, ang halaga ng collaboration, at kung bakit mahalagang manatiling malikhain sa panahon ngayon.Kasama rin ang kuwento sa likod ng Linya-Linya x Quiccs collaboration, ang kultura ng pagkolekta, at kung bakit ang mga bagay na pinipili nating ipunin ay madalas nagsasabi rin ng kuwento tungkol sa atin.Isang episode para sa mga artist, designer, entrepreneur, collector, at sa lahat ng gustong gumawa ng mga bagay na may saysay.
Podcast reviews
Read The Linya-Linya Show podcast reviews
jesssssme 2020/07/25
Funny
Super dami ng mga hirit! “Demonyo” laging dapat alerto! Hahaha benta!
Podcast sponsorship advertising
Start advertising on The Linya-Linya Show relevant audience podcasts
You may also like to advertise on these Podcasts

51088171
Middle Children
Jessie Jolles and Chris Burns

4.8265122000
Morning Wire
The Daily Wire

4.518782374
American Scandal
Audible

4.689401219
Get Sleepy: Sleep meditation and stories
Slumber Studios

4.79026375
Life is Short with Justin Long
Audible

4.714121350
Bad Friends
Bobby Lee & Andrew Santino

4.7129372
10 to Life
Annie Elise

4.76753464
Criminology
Emash Digital & Mike Ferguson, Mike Morford

4.87515978
The Dr. John Delony Show
Ramsey Network

4.512623668
RedHanded
RedHanded